30 bahay naabo sa QC fire, 3 sugatan

AABOT sa 30 bahay ang naabo, habang tatlo katao ang nasugatan makaraang tupukin ng apoy ang isang residential area sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Chief Supt. Santiago Laguna, ng National Capital Region, may 90 pamilya mula sa nasabing mga kabahayan ang naapekuhan ng sunog sa may BIR road, Brgy. Central, nasabing lungsod.

Kinilala naman ang mga nasugatan sa insidente na sina Carlito Pajarilio, Marissa Almata at ang pitong taong gulang na anak nito.

Ayon sa inisyal na ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Annaliza dela Cruz sa 4 BIR Road, Bgy. Central, dakong 10:37 ng umaga kanina, Abril 11.

Sinabi sa ulat na dahil gawa lamang sa light materials ang mga naturang bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang madamay ang katabing mga kabahayan.

Umabot sa Task Force Bravo ang naturang sunog bago tuluyang naapula ang apoy ng mga rumespondeng bumbero sa iba’t ibang sangay ng Metro Manila dakong 11:45 ng umaga.

Inaalam na ng arson investigator ng BFP ang pinagmulan ng naturang sunog. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply