30 kabahayan naabo sa QC

UMABOT sa may 30 kabahayan ang naabo nang sumiklab ang sunog Lunes ng umaga, Abril11, sa Quezon City.

Ayon kay Bureau of Fire Protection Chief Supt. Santiago Laguna ng National Capital Region, may 90 pamilya mula sa nasabing mga kabahayan ang naapektuhan ng sunog sa may BIR road, Brgy. Central sa nasabing lungsod.

Tatlo katao ang iniulat na nasaktan na kinilalang sina Carlito Pajarilio, Marissa Almata at ang pitong taong gulang nitong anak.

Sa inisyal na ulat ng BFP, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Annaliza dela Cruz ganap na alas 10:37 ng umaga.

Dahil gawa lamang sa light materials ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa tuluyang madamay ang katabi nitong mga kabahayan.

Umabot naman sa Task Force Bravo bago tuluyang naapula ang apoy ng mga rumespondeng bombero ganap na alas-11:45 ng umaga. James de Jesus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply