30 namatay dahil sa diarrhea

UMABOT na sa 30 residente ang namatay dahil sa lumalaganap na diarrhea sa Palawan.

Batay sa report ni Dr. Eduardo Cruz, Palawan provincial health officer, ang mga biktima ay pawang mga residente ng Sitio Apad-Apad, Barangay Culandanum, Bataraza.

Ayon kay Cruz, ang outbreak ay dahil sa kontaminadong tubig na iniinom sa naturang barangay.

Nagpadala na ang Department of Health (DOH) ng isang grupo ng mga health worker sa lugar upang sugpuin ang paglaganap ng karamdaman sa naturang lugar.

Ang mga health worker ang mangangasiwa sa pamamahagi ng gamot sa bulubunduking lugar na may 225 kilometro ang layo mula sa provincial head office sa Puerto Princesa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply