303 arestado sa paglabag sa batas-trapiko

BUNGA ng pinalakas na kampanya ng lokal na pamahalaan ng Navotas City sa pagpapatupad ng “Oplan Hila Bara” umabot na sa 303 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa batas-trapiko.

Ito ay sa loob ng tatlong buwan ng taon kasalukuyan.

Sa ulat na isinumite kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, naaresto ang mga driver at pedestrian dahil sa paglabag ng mga ito sa batas-trapiko.

Bukod dito, abala rin ang lokal na pamahalaan sa paghuli sa mga illegal vendor sa lahat ng kalsada sa naturang lungsod.

Sinabi rin ni Tiangco na magpapatuloy ang kampanyang ito ng lokal na pamahalaan sa susunod ng mga araw upang tuluyang magkaroon ng disiplina ang mga mamamayan doon.

Samantala, binalaan din ng alkalde ang mga traffic enforcers at volunteers na ipatupad ng husto ang batas at huwag gumawa ng kalokohan. Aniya, ang sinumang gagawa ng kalokohan ay hindi sasantuhin at bibigyan ng kaukulang parusa at pagdidisiplina.

“I would like to remind everybody, even the PNP personnel and officers, that in Navotas we are strictly enforcing our local ordinances.  To avoid any embarrassments, a no paki-pakiusap policy is being implemented here to show that no one is above the law”, wika  pa ni Tiangco. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply