32 bata namamatay bago mag-5-anyos taon-taon

TATLUMPU’T DALAWANG mga  batang  Filipino  ang  namamatay  bago  umedad ng limang  taon, ayon sa 2008 report ng United Nation’s Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Base rin sa ulat ng Department of Health (DOH), namamatay  ang  mga dahil sa infectious diseases na 10 pangunahing  dahilan  ng  kamatayan  ng  mga  bata  na may edad 1 hanggang 4, 5 hanggang  9 at  10 hanggang  14.

Dahil dito, isinulong nina Bayan  Muna Reps.  Neri Colmenares at Teddy Casiño ang  House  Bill 4125  sa  Mababang  Kapulungan ng Kongreso.

Isinasaad  sa House Bill 4125  na  mabigyang  lunas  ang  patuloy na pagtaas ng bilang ng  namamatay  na sanggol at  mga bata sa bansa.

Naniniwala ang mga mambabatas na  maaaring  mailigtas ang mga bata  sa kamatayan  mula  sa  mga sakit kung ito ay maagapan lamang.

Ang nakikita ng mga mambabatas na rason nito ay ang hindi pagbisita sa ospital at pagkonsulta sa mga doktor dahil sa kakapusan sa pera.

Nilalayon  ng panukalang tatawaging “Children’s Medical Services Discount Act of 2011” ang pagbibigay ng  50 percent discount sa pagpapagamot ng mga batang  nasa anim na taon pababa.

Nabatid na karamihan sa mga sakit na ikinamamatay ng mga bata ay maaring maiwasan  at magamot kung maagapan, kaya dapat mabigyan sila  ng 50 percent discount sa  mga  serbisyong medikal.

Sakop ng panukala ang mga magulang na  may annual net income na hindi tataas sa P100,000. Beth Aragon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply