380 special permits naipalabas ng LTFRB

AABOT sa 380 special permits ang naipalabas ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para sa Metro Manila buses at iba pang sasakyan sa Metro Manila na nais na pumasada sa mga probinsiya ngayong Semana Santa.

Ayon kay Atty.Manuel Iway, boardmember ng LTFRB, bukas pa rin ang ahensiya sa pagtanggap ng mga aplikasyon para issuance ng special permit.

Ang sinumang pampasaherong sasakyan na nais na pumasada o gumawi ng labas ng Metro Manila na wala sa kanilang linya ay maaaring makansela ang prangkisa bukod sa kaukulang multa.

Ang bayad sa special permit sa LTFRB ay P260 at dagdag na P70 sa ikakabit na prangkisa ng sasakyan. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply