4 arestado sa droga

INARESTO ng Muñoz City Police ang apat na katao, kabilang ang isang 28anyos na babae sa magkahiwalay na buy bust operation kahapon Easter Sunday, ayon sa report ng pulisya.

Kinilala ni Insp. Joel dela Cruz, team leader ng Muñoz City Police Anti-Illegal Drugs, ang mga arestado na sina Jess Mallari, 33; Ricardo Villanosa, ng Barangay Bantug; Joey Reyes, 33, ng Echague, Isabela; at Jepsy Rivera, 28, ng Lumang Bayan, Munoz City.

Ayon naman kay Supt. Pedro Soliba, hepe ng Muñoz City Police Station, si Rivera ay unang naaresto sa Barangay Poblacion East.

Nakumpiska sa kanya ang walong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P40,000, samantalang sa tatlo naman ay tig-isa’t kalahating kilo ng marijuana bricks.

Pansamantalang nakakulong ang apat sa city jail habang inihahanda na ng pulisya ang mga kaukulang kaso laban sa kanila. Ver Sta. Ana

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply