4 na gold trader sinampahan ng P4.75-B tax evasion case

APAT na gold trader ang kinasuhan ng P4.75-bilyon kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Ang apat na gold trader na kinasuhan nina Internal Revenue Commissioner Kim Henares at Deputy Commissioner Estella Sales ay sina: Felonila Caluag ng Meycauayan, Bulacan; Diomedita Platino Canonigo ng Baclaran, Paranaque City; Sylvia Chua Cantoria ng Deparo 2, Caloocan City; at Ronald Castro ng Meycauayan, Bulacan.

Ang mga nasabing gold trader ay nagbebenta ng ginto sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa imbestigasyon, umaabot ng P865.15 milyon ang tax deficiency ni Caluag para sa limang taxable year, P1.65 bilyon kay Canonigo (limang taxable year), P683.41 milyon kay Cantoria (tatlong taxable year) at P1.56 bilyon naman kay Castro (limang taxable year).

Kabilang sa inireklamo laban sa apat na negosyante ay ang pagkabigo ng mga ito na magsumite ng quarterly at annual income tax returns.

Ibinase ang kaso sa mga nakuhang dokumento ng BIR sa BSP na pinagbentahan ng tatlong respondents ng refined gold sa loob ng mula dalawa hanggang apat na taon.  

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply