4 miyembro ng Akyat-bahay timbog

SINAMANTALA ng apat na kalalakihan, kabilang ang dalawang menor-de-edad na umano ay miyembro ng Akyat-bahay Gang ang pag-oobserba ng Mahal na Araw, nang pagnakawan ng mga ito ang bahay ng isang retiradong teacher sa Tondo, Maynila, noong Biyernes Santo ng madaling araw.

Gayunman, dahil sa isinagawang follow-up operation na inilatag ng mga tauhan ni P/Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 isa-isang natimbog ang mga suspek na sina Reynaldo del Rosario, 23 anyos, may asawa, tambay; Dave Irwin Pelina, 20 anyos, tambay; isang 17-anyos na itinago sa pangalang “Totoy” at ang 15 anyos na si “Utoy” na pawang  magkakapitbahay sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ni SPO1 Carlos Garcia na isinumiti kay Chief Insp. Arturo Paras, hepe ng MPD-Theft & Robbery Section, isang Rosalinda Fernandez , 64 anyos retired teacher ng 1400 Pampanga St., Tondo ang nagreport sa himpilan ng pulisya, sa pagkawala ng kanilang mga alahas at iba’t ibang relos at dolyar na aabot sa P700,000.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at isa-isang nahulog sa kamay ng batas ang apat na suspek, at nabawi ang ilan sa kanilang nakulimbat.

Ayon sa salaysay ni  Fernandez, nasa pagitan ng 11:00 hanggang 1:00 ng madaling araw nitong nakaraaang Biyernes nang maganap ang nasabing insidente, habang  ang kanyang mga kaanak ay nag-Visita Iglesia.

Matapos isagawa ang taunang tradisyon para sa Mahal na Araw, laking gulat ng mga ito nang makitang niransak na ang  drawer at sabog-sabog ang mga gamit sa loob ng bahay, at natuklasang nawawala na ang mga iba’t ibang alahas, relo at dolyares.

Dahil sa malaking halagang nawala, inilipat sa Theft & Robbery Section ang imbestigasyon, at nakatakdang sampahan ng kasong Robbery in Habited ang apat na suspek. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply