4000 katao sa Laguna nag-rally kontra RH bill

MAHIGIT sa 4,000 katao na kumakatawan sa iba’t ibang bayan ng Laguna ang dumalo sa isinagawang prayer rally na binansagang “Walk for Life 2011” doon.

Ang nasabing pagtitipon ay binuo ng Diyosesis ng San Pablo, sa pangunguna ng Knights of Columbus at ng Diocesan Commission on Family and Life, at dinaluhan ng iba’t ibang sektor sa lalawigan ng Laguna.

Sinimulan ito ng isang misa na pinamunuan ni Mons. Leo M. Drona, Obispo ng San Pablo at ng ilan sa kaparian ng Diyosesis ng San Pablo.

Sa kanyang homiliya, ipinaalala ni Obispo Drona na ang isinusulong na RH Bill ay taliwas sa “kultura ng buhay” sapagkat ang mga paraang isinusunulong nito ay nagtataguyod ng “kultura ng kamatayan.”

Ang Reproductive Health Bill or RH Bill ay isang panukalang batas na naglalayong makapagbigay ng universal access sa pamamaraan at impormasyon na may kinalaman sa birth control at maternal care.

Hinimok ni Drona ang mga mambabatas na maging malinaw sa kanilang paninindigan hinggil sa panukalang batas na ito.

Dagdag pa ng Obispo, tatlo sa apat na kongresista ng Laguna ang nagpahayag na sa kanya ng kanilang pagtutol sa nasabing panukalang batas. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply