400,000 bagong gradweyt walang trabahong naghihintay

NANGANGAMBA si Kabataan Party-list Rep. Raymond “Mong” Palatino na mawalan ng pag-asa ang may 400,000 bagong graduate kung hindi pag-iibayuhin ni Pangulong Benigno Aquino III ang plano para magkaroon ng trabaho ang mga ito.

Sinabi ni Palatino na hindi sapat ang programa ng administrasyon Aquino para tugunan ang lumalaking pangangailangan ng de kalidad na trabaho.

Ang pahayag na ito ni Palatino ay kasunod ng pagtiyak ng Department of Labor and Employment (Dole) na sinisimulan na ng ahensya ang pagsasagawa ng career orientation at employment coaching sa pamamagitan ng seminars.

Ngunit iginiit ni Palatino na hindi sapat ang mga seminar dahil ang kailangan ay ang mga de kalidad na trabaho.

Pinamamadali rin ni Palatino kay Pangulong Aquino ang naunang pangako nito ukol sa paglikha sa maraming trabaho.

Batay sa datos noong 2010, lumalabas na mayroong 2.8 milyon walang trabahong Filipino sa buong bansa, kalahati nito ay nasa pagitan ng edad na 15-24 habang ang ikatlong bahagi nito ay mula edad na 25-34.

Binigyang-diin pa ni Palatino na kung may sapat na trabaho dito sa Pilipinas ay maiiwasan ang pagpunta ng mga Pinoy sa ibang bansa. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply