2 Pinoy na na-trap sa Libya, ligtas

NASA ligtas na kalagayan ang dalawang Pinoy na napaulat na na-trap sa gulo sa Libya.

Ito ang napag-alaman nang magpadala ng email ang mga ito sa kanilang mga kasamahan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakapag-email na sa kanilang mga kasamahan sina Bernadette Pavurada at Lilian Rosales.

Nakasaad sa mga email message na maayos ang kanilang kondisyon at sila ay nasa ligtas na lugar sa Benghazi.

Kaugnay nito, dumating Huwebes ng gabi sa bansa ang anim na mga Pinoy galing Libya na kinilala na sina Evangeline Garcia, Evjoalyn Calam, Catherine Galue, Valerie Joy Ventura at Celeste Cambangay, pawang mga nurse, at isang engineer na si Vincent Sanchez.

Nabatid na naging maayos ang pagkakaligtas ng binuong reaction team ng DFA sa anim na mga Filipino na umano’y 23 araw na naipit dahil sa kaguluhan doon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply