44 OFWs mula sa Fukushima nasa Pinas na

DUMATING na sa bansa ang 44 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Japan bilang pagtugon sa mandatory repatriation ng mga Pinoy na naka-base malapit sa Fukusima Daiichi nuclear plant.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may kabuuang 1,989 Filipino ang nakatira sa loob ng 100-kilometer radius mula sa planta.

Ang mga OFW ay lumapag dakong 1:18 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, lulan ng Philippine Air Lines Flight 431.

Bagama’t patuloy ang panawagan ng gobyerno para sa paglikas ng mga kababayan, aminado naman ang DFA na hindi mapipilit ang iba pang Pinoy na umalis sa nasabing area.

Kasamang dumating ng mga OFW si Ambassador Manuel Lopez.

Kaugnay pa rin nito, maliban sa mandatory evacuation ng mga Pinoy sa loob ng 50-kilometer radius zone malapit sa nuclear plant, saklaw na rin ng voluntary repatriation ang mga nakatira hanggang 100-kilometer radius.

Ayon sa kalihim, sakali umanong gustuhin ng mga kababayan na manatili sa Japan, maaari umano silang lumikas sa itinakdang relocation centers ng Philippine embassy. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply