5 bata na ang namamatay sa tigdas –DoH

LIMANG bata na ang namamatay dahil sa tigdas na kabilang sa mahigit 2,000 measles cases na naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa ngayong taon lamang.

Batay sa ulat ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, ang may 2,075 kaso ng tigdas ay naitala mula Enero hanggang Marso 19, ng taong 2011 sa buong bansa, na may age range na walong araw hanggang 85-taong gulang.

Ayon sa DOH, karamihan sa mga nagkasakit ay mula sa National Capital Region (311), Central Luzon (298), Bicol Region (277), CALABARZON (238), Davao Region (197), Ilocos Region (174), at Zamboanga Peninsula (163).

Sa NCR naman, pinakamaraming naitalang measles cases sa Maynila, (101), Quezon City (50), at Caloocan (36).

Labis namang ikinabahala ni Health Secretary Enrique Ona ang naturang datos dahil maaari naman sanang iwasan ang naturang pagkamatay sa pamamagitan ng bakuna, na librengipinagkakaloob ng pamahalaan.

“It is alarming to know that there are still children dying from measles even if measles vaccination is free and available nationwide at all health centers,” ayon kay Ona.

Ito aniya ang dahilan kung bakit nagpasya silang maglunsad ng nationwide measles vaccination sa bansa, na sinimulan na kanina Abril 4, at magtatagal hanggang sa Mayo 4.

Target ng naturang programa na mabigyan ng linreng measles at German Measles vaccines ang may 18 milyong bata na mula siyam na buwan hanggang walong taong gulang. Kyle Gatuz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply