5 kidnappers timbog sa Cotabato City

NASILO ng pulisya ang limang miyembro ng kidnap for ransom gang kabilang ang isang kamag-anak umano ni Maguindanao massacre prime suspect na si Andal Ampatuan, Sr. na ang target ay mga Filipino-Chinese traders sa Cotabato City Sabado ng madaling araw, Abril 16.

Kinilala ni Police Senior Supt. Danny Reyes, Cotabato City police chief, ang mga suspek na sina Morshid Mabang, Samindatu Laguia Muda, Nonoy Masdal, Bayang Masdal and Mahatma Ampatuan,  pawang residente ng  Barangay  Macasampen, Guindolongan sa Maguindanao province.

Narekober sa mga suspect ng anim na kalibre .45 at hand grenades na walang kaukulang dokumento.

Sinabi ni Reyes na ang limang suspek ay naaresto nang tangkain nilang iwasan habang lulan sa isang van ang isang Police-and-Marines checkpoint sa kanto ng Sinsuat at Pansacala Streets.

Ayon kay Reyes, kumilos ang kanyang operatiba sa natanggap na intelligence report na may isang kidnap-for-ransom (KFR) group na planong dukutin ang isa pang Filipino-Chinese trader sa Cotabato City.

Ayon pa rin sa intelligence reports, sinabi ni Reyes na ang mga suspek ay nagsasagawa ng surveillance mission para makakuha ng impormasyon sa mga kilala at mayayamang negosyante ng lungsod. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply