5 lugar sa Pinas may red tide

LIMANG lugar na sa Pilipinas ang apektado ng pagtaas ng toxicity level ng red tide.

Base sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), natuklasan ang kontaminasyon sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Misamis Occidental; Anda at Bolinao sa Pangasinan at Masinloc Bay sa Zambales.

Dahil dito, nagpalabas na rin ang Department of Health (DoH) ng abiso sa pansamantalang pag-iwas sa pagkain tulad ng isda, pusit, alamang, hipon at alimango na mula sa mga nabanggit na lugar upang maiwasan ang pagkalason.

Batay naman sa pahayag ni National Epidemiology Center (NEC) head Dr. Eric Tayag, kung walang katiyakan kung saan nahango ang mga isda at mga lamang-dagat ay huwag na lamang munang kumain ng mga ito para sa ating kaligtasan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply