5 nagpuslit ng 325 kahon ng sardinas dinampot

UMABOT sa 325 kahong sardinas na nagkakahalagang P375, 081 ang naipuslit ng limang kawani ng Youngs Town Sardines na sana’y dadalhin sa mga sangay ng Puregold Supermarket sa mga lungsod ng Pasig at Mandaluyong,  iniulat nitong Miyerkules, Marso 6.

Inimbitahan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section upang isailalim sa interogasyon sina: Eldrige Tuazon, 40, driver, ng 127 Consuelo St., Brgy.Acacia, Malabon City; Erickson Gamba, 21, pahinante, ng Area A Gate 1 Parola Compound, Tondo; Juanito Mateo, 43, driver  at helper, ng Kaunlaran Village, Barangay Longos, Malabon; Jose Angelo Cuadras, pahinante; at isang Marjun Moring, pahinante.

Batay sa ulat ni SPO2 Gondrious Alombro na isinumiti kay Chief Insp. Arturo Paras, hepe ng MPD- Theft and Robbery Section, naipuslit ang mga produk, to mula sa bodega ng Maunlad Canning Corp.

Ayon sa salaysay ni Lanie Marquez, opisyal ng kumpanya, sa tatlong magkakahiwalay na petsa naipuslit ang mga kahon ng sardinas.

Nadiskubre na unang naglabas ng 175 kahong sardinas na nagkakahalagang P203,280.00 galing sa bodega patungong Puregold sa Shaw Blvd. sa Mandaluyong City. Hindi nakarating ang mga produkto.

Nitong nakaraang Marso 11 ay muling nag-deliver dapat ng 70 kahon na nagkakahalaga ng P92,121 sa Puregold  sa Pasig City.

Noong nakaraang Marso 29  ay humigit-kumulang na 80 kahong sardinas ang dadalhin din sa ibang sangay ng Puregold sa Pasig, hanggang sa magreport ang main office ng Puregold na hindi nakarating ang mga nasabing mga kahon. Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply