5 nalitson nang buhay sa sunog

NALITSON nang buhay ang limang miyembro ng isang pamilya nang sumiklab ang sunog habang nasa kasarapan ng tulog ang mga biktima sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Ang mga nasunog ay ang mag-asawang Hilario Espayos at misis na si Pinky, mga anak na sina Patrick, 13,  Bevely 15 at Brain, 11, ng Nazareth St., Tabon, Malaria, nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon mula kay SF04 Randy O. Resurrection, hepe ng Caloocan City Fire Station (CCFS), dakong 2:26 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Nazareth St., Tabon, Malaria Caloocan City.

Sa ulat, bigla na lamang sumiklab ang apoy sa bakery na katabi ng bahay ng mga biktima dahil sa umano na sa napabayaang kandila na nakasindi ng magdamag.

Dahil sa kasarapan ng tulog ng mga biktima, hindi namalayan ng mga ito ang sunog hanggang umabot sa kanilang bahay.

Dahil sa lakas ng apoy, hindi na nagawa pang makalabas ng bahay ang mga biktima.

Nabatid na umabot sa 3rd alarm ang sunog at idineklarang fire out ganap na alas-3:38 ng madaling-araw. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply