5 NPA, 1 sundalo patay sa engkuwentro

LIMANG kasapi ng Communist Party of the Philipines-National Democratic Front-New People’s Army (CNN) ang napatay habang isang kagawad ng Philipine Army ang nasawi sa naganap na sagupaan kaninang umaga sa San Jose del Monte, Bulacan, ayon sa ulat ng mga awtoridad ngayon, Abril 26.

Ayon kay Philipine Army chief Lt. Gen Arturo Ortiz, naganap ang sagupaan bandang alas-5:10 ng umaga sa may bisinidad ng Purok 4, Paradise 3, Barangay Kaybamban, San Jose del Monte ng nasabing lalawigan.

Sa ulat na natanggap naman ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Raul Bacalzo, kasama ang PNP Provincial Police Security Command at Bulacan Provincial Police Office ng sagupain ng mga elemento ng Army 7th Military Intelligence Battalion, 56th Infantry Battalion at 4th Maneuver Platoon ang may 20 rebelde na pawang aramdo ng mataas na kalibreng baril.

Nabatid na nakatangap ng intelligence information ang mga tauhan ni Gen. Ortiz hinggil sa presensiya ng mga aramdong NPA na kumikilos sa hangganan ng Bulacan at Rizal.

Agad na nagkaroon ng madugong sagupaan ng masabat ng mga awtoridad ang pangkat ng NPA guerillas na nagresulta sa pagkamatay ng isang sundalo.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok ay umatras ang mga rebelde matapos na maramdamang unti-unti na silang nalalagasan kung saan sinasabing limang NPA ang napatay ng tropa ng pamahalaan.

Nabatid na hindi pa rin tinatantanan ng Army at PNP ang ginagawang hot pursuit operation laban sa mga tumatakas na rebelde. Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply