5 Prosperidad hostage takers kinasuhan na

KINASUHAN na ng pulisya ang limang Manobo tribemen ng kidnapping kaugnay sa pangho-hostage sa 16 titser at estudyante sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Nauna nang sinabi ni Prosperidad Mayor Albin Magdamit na hahayaan na niya ang lahat sa Philippine National Police at sa  military kung anong aksyon ang dapat gawin laban sa hostage-takers kasunod ng paglaya sa natitirang 13 hostages noong nakaraang Miyerkules.

Sinabi ni Magdamit na nakatakda ang local crisis management committee ng isang post assessment sa crisis. Ang insidente aniya ay gagamitin para palakasin ang local peace and order program para matiyak na ang hostage incidents ay hindi na ulit mangyayari.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na pinalaya ang hostages matapos siguruhin sa hostage-takers ni Agusan del Sur Governor Adolf Edward Plaza ng patas na pagtrato sa kasong kriminal na kanilang ikinahaharap.

Dagdag pa nito na ang mga hostage-takers ay mahaharp na kasong kriminal.

“Ang pagkakaintindi ko po ay kakasuhan lahat. Ang utos dito ay kung sino ang may kasalanan, papatawan ng tamang batas,” pahayag nito.

Sinabi ni Robredo na ang mga kidnappers ay dating miyembro ng local militia forces na may libong bilang na inarmasan para tumulong idepensa ang remote communities sa Mindanao at sa iba pang lugar mula sa pag-atake ng mga gerilya.  Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply