5 sugatan sa bumagsak na chopper sa Taytay

BUMAGSAK ang isang military chopper ngayong umaga, Miyerkules sa Taytay, Rizal, na ikinasugat ng limang military passenger nito.

Sa inisyal na ulat na ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief, P/Chief Supt. Agrimero Cruz, Jr., naganap ang crash landing bandang alas-10:10 ng umaga sa isang bakanteng lote sa Daan Putol Barangay San Isidro, Taytay ng isang Air Force chopper na may body number 22662 na may limang sakay.

Ang limang Philippine Airforce (PAF) members na sakay ng chopper na sina 1st Lt. Col. Robert Bitas (pilot), 2nd Lt. Col. Paul Yu (co-pilot), Airman 2nd Class Elias Alinday, Jr., S/Sgt. Ruel Realin at si Sgt. Edmund Cubillan ay nagtamo ng minor injuries matapos magsagawa ng emergency landing ang chopper sa isang bakanteng lote.

Subalit ang naturang military chopper ay malubhang nasira matapos ang insidente. Verlin Ruiz

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply