5 US Army patay sa suicide bombing sa Afghanistan

KINUMPIRMA ng isang US military official na lima sa kanilang hanay ang nasawi sa isang suicide bombing na nangyari sa isang military base sa Afghanistan.

Nakasuot umano ang suicide bomber ng Afghan military uniform kaya nakapasok ito sa Forward Operating Base Gamberi sa Laghman Province, Afghanistan.

Kasalukuyang nagkakaroon ng meeting ang mga sundalo ng Afghanistan at mga NATO-lead forces nang sumambulat ang suspek.

Apat na sundalong Afghan ang namatay at walo ang nasugatan sa naturang insidente, ayon kay Afghan Gen. Mohammad Zahir.

Sinabi naman ni Taliban spokesman Zabiullah Mojahed na ang suicide bomber ay ang pumasok sa Afghan National Army noong nakaraang buwan.

“The bomber, Abdul Ghani, joined the Afghan National Army a month ago in order to kill the invaders,” pahayag ni Mojahed. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply