50 kabahayan nilamon ng apoy sa QC

TINATAYANG 50 bahay ang nilamon ng apoy sa sunog na naganap Biyernes ng umaga, Abril 8, sa Cubao, Quezon City .

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection Quezon City (BFP-QC) naganap ang sunog sa pagitan ng 15th Avenue at Havard St.,Bgy. Socorro, Cubao,QC dakong 10:18 ng umaga kanina..

Sinabi ni Senior Fire Officer 2 Jose Mauricio radio operator ng BFP umabot ang sunog sa Task Force Alpha at itinaas pa ito sa 5th alarm.

Ayon pa sa ulat, dahil sa masikip ang iskinita sa naturang lugar nahirapan ang mga kagawad ng BFP na mapatay agad ang sunog na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay.

Nagsimula ang naturang sunog sa bahay ng isang nagnaangalang Aida na nangungupahan lamang sa lugar.

Dahit sa gawa light materials ang naturang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Dalawa ang naiulat na nasugatan sa naturang sunog na nagtamo lamang ng minor injury habang wala naman iniulat na casualty.

Inaalam pa ng arson investigator ng BFP kung magkano ang halagang napinsala sa sunog at ang pinagmulan nito. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply