50 Pinoy mula sa Japan balik-Pinas na

NAKABALIK na sa bansa ang 50 Filipino mula sa Japan bilang pagtugon sa mandatory repatriation ng mga Pinoy na naka-base malapit sa nasirang Fukusima Daiichi nuclear plant na siyang dahilan ng nuclear crisis doon.

Ang mga Pinoy ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal-3 sa Pasay City, lulan ng Philippine Air Lines Flight 431  kasama si Ambassador Manuel Lopez.

Ang mga dumating na Pinoy kabilang ang kanilang mga anak ay dumating sa NAIA terminal dakong 2:00 ng hapon at pansamantalang inilagak sa holding area para suriin sa kontaminsayon ng radio active.

Batay sa ulat, ang mga dumating Pinoy ay pawang mga nakatira sa 100 kilometer radius ng nasabing planta na sinalanta ng tsunami bunga ng malakas na lindol sa bansang Japan noong Marso 11.

Nitong nakaraang linggo dumating sa bansa ang may 44 Filipino mula rin sa naturang bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply