55 Filipino handa nang magbalik-Pinas

NAGPAYAHAG na ng kahandaan ang 55 Filipino, kabilang ang mga bata na nanininirahan malapit sa Fukushima Daiichi Nuclear power plant na makauwi sa Pilipinas bunsod ng panganib sa kalusugan na maaaring idulot ng pagtagas ng radioactive particles mula sa naturang planta.

Sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) maaaring manuluyan muna sa Omiya sa Saitama Prefecture ang mga nasabing Pinoy habang isinasailalim pa sa proseso ang kanilang mga dokumento para makauwi sa bansa.

Umaasa naman ang DFA na maisasaayos ng maaga ang dokumento ng mga Filipino para makalipad na sila sa Linggo, Abril 17.

Nagpasiya ang mga Filipino na naninirahan sa may 100-kilometrong radius na layo mula sa planta na magpalikas matapos na itaas sa alert level 7 ng Japanese government na ibinatay sa International Nuclear and Radiological Event Scale (INES) mula sa level 5.

Ito na ang pinakamataas na antas at nangangahulungan ito na grabe na ang pagtagas ng radioactive material na may malawak ng masamang epekto sa kalusugan at kalikasan na kinakailangan na ang kaukulang hakbang

Nilinaw naman ng DFA na bago umuwi sa Pilipinas ang mga Pinoy ay tiyak na isasailalim muna sila sa masusing pagsusuri sa pasilidad na pinatatakbo ng gobyerno ng Japan upang alamin kung naapektuhan na ng radiation ang kanilang kalusugan.

Sa ulat ng DFA, may 2,000 pang Filipino, hindi kabilang dito ang kanilang mga anak ang naninirahan sa may 100-kilometrong radius mula sa naturang planta na karamihan ay nakapag-asawa na ng Hapon at matagal ng naninirahan doon.

Kaugnay nito, nagbukas na rin ang tanggapan ng Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng DFA ng kanilang hotline at e-mail upang may mapagtanungan ang mga Pinoy kaugnay sa kalagayan ng kanilang mga kaanak sa Japan.

Ang hotline numbers ng DFA-OUMWA na binuksan para sa anumang impormasyon ay 834-3245 at 834-3240 habang ang e-mail address naman ay dfaoumwa cmc@gmail.com. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply