60 kababaihan nasagip sa ‘girlie joints’ sa Bulacan

AABOT sa 60 kababaihan na pawang GRO at masahista ang inimbitahan sa istasyon upang hanapan ng kaukulan permit sa isinagawang raid kahapon. Ivan Gaddia

NASAGIP ng awtoridad ang may 60 kababaihan na ang ilan ay menor de edad sa serye ng paglasakay sa mga beer houses sa Meycauayan City sa Bulacan province, Sabado ng madaling araw, Abril 9.

Sinabi ng pulisya at ng mga social welfare workers na tatlo sa mga nasagip na kababaihan ay menor de edad pero sadyang hindi pinangalanan para sa kanilang sariling proteksyon.

Ang pagsalakay ay base sa impormasyon na ang mga beer houses, nightclubs, at kahit massage parlors doon ay ginagawang front sa prostitusyon.

Bukod pa roon, karamihan sa mga kababaihan ay walang working permit. Nabuko rin na walang business permits ang mga sinalakay ng establisimyento. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply