60 kph speed limit planong ipatupad sa Osmena Highway, Roxas Boulevard

PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang 60-kilometer speed limit sa Osmeña Highway sa Makati at Roxas Boulvevard sa Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang plano ay may kaugnayan sa pagtaas ng mga nagaganap na aksidente sa dalawang pangunahing lansangan.

“As of now, we are in the process of evaluating and studying. Hopefully we can implement the same scheme on Roxas Boulevard and Osmena Highway,” ayon kay Tolentino.

Ipinaliwang ni Tolentino na ang 11-kilometer Roxas Boulevard ay may walong linyang arterial road na kumokonekta sa Manila, Pasay, Paranaque at Cavite province.

Ang mga sasakyan dito ay bumibiyahe mula sa direksiyon ng north-south mula Luneta, Manila at nagtatapos sa Paranaque City habang ang intersection nito ay patungo naman sa kanluran ng Asian World City na nakatayo sa reclamation area ng Manila Bay at patungo sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang bahagi naman ng kalsada ay nagtatapos sa southernterminus sa Coastal Road patungong Las Pinas City.

Dahil dito, malaki ang paniniwala ni Tolentino na ang mga aksidente ng sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Osmeña Highway ay bahagyang mababawasan sakaling maipatupad ang 60 kph speed limit

Magugugunita na ang MMDA ay sinimulan ang implementasyon ng 60 kph speed limit ganon din ang lane segregation scheme sa kahabaan ng 12.4-kilometer na Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Enero 25.

Ipinagmalaki ng MMDA ang tagumpay sa implementasyon ng makabagong pamamaraan na ipinatutupad sa Commonwealth Avenue na naging dahilan para mabawasan ang vehicular accident sa naturang lugar.

Ayon sa record na nakalap ni MMDA Assistant General Manager for Operation Atty. Emerson Carlos, umabot na sa 7,000 motorista ang nahuhuli dahil sa paglabag sa pinaiiral na traffic rules sa Commonwealth Avenue. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply