65 pugante sa Afghan balik selda

TINATAYANG 65 pugante ang naibalik na sa selda ng Afghan police dahil sa patuloy na isinasagawang search operation ng mga awtoridad.

Matatandaang nakatakas kamakalawa ang tinatayang 470 na preso matapos na magawa ang halos kalahating kilometrong tunnel mula sa kanilang mga kulungan.

Inako ng Taliban ang pagpapatakas sa mga inmates at sinabi nito na 106 dito ay mga Taliban military commanders.

Noong taong 2008 ay nakatakas din ang halos 1,000 preso matapos pasabugin ang isang dingding ng kulungan sa pamamagitan ng pagdetonina ng isang truck na puno ng pampasabog.

Kalahati sa mga nakatakas ay miyembro ng Taliban.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply