6,500 school principals wanted

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na hindi lamang kakapusan sa guro ang sasalubong sa school year 2011-2012 na magsisimula sa Hunyo, kundi kasama na rin ang kakulangan ng mahigit 6,500 na principals.

Base sa record ng DepEd, noong 2008  ay kapos ng kabuuang 4,668 na school principal, lumobo pa noong 2009 at 2010 at ngayong sa pagbubukas ng pasukan  ay tinatayang  nasa 6,500 na ang kulang na mga principal sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa.

Sinabi ni DepEd Secretary Armin Luistro, sa nakalipas na 2010 National Qualifying Examination for Principal (NQEP) ay wala pa sa 10 posiyento ang nakapasa sa examinees.

Nabatid na may kabuuang 9,778 ang kumuha ng pagsusulit at  924 lamang ang pinalad na makapasa sa exam.

“A total of 924 examinees hurdled the said examination, representing approximately 9.5 percent of the total aspirants,” ani Luistro.

Dahil dito ay mapipilitan ang DepEd na magtalaga muna ng “teachers in charge” para mapunan ang nasabing kakulangan sa mga posisyon sa bawat paaralan. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply