680 sunog naganap sa Metro Manila ayon sa BFP

UMABOT sa 680 ang kabuuang bilang ng naganap na sunog sa Metro Manila mula sa buwan ng Enero hanggang Abril 2011, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Lumilitaw sa talaan ng BFP, kabilang sa 680 na ito ay ang naganap na sunog sa BIR Road, Barangay Central, Barangay Culiat, Quezon City at Old  Balara kung saan iniulat na daan–daang pamilya ang nawalan ng bahay at ikinasugat ng marami kabilang na ang isang sanggol.

Kaugnay nito, nagpalipas ng magdamag ang mga nasunugan kahapon, Abril 11 sa Brgy. Culiat sa Flyover sa Commonwealth Avenue.

Nangako naman si Quezon City Mayor Herbert Bautista na tutulungan ang mga pamilyang nasunugan habang ang ibang grupo ng iba’t ibang sektor ay namahagi ng pagkain sa mga biktima.

Ang mga nasunugan naman sa BIR road ay nagpalipas ng magdamag kalsada. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply