7-eleven at Azad University angat sa cycling team standings

PATULOY sa pagsisikap ang Lé Tour de Pilipinas ang defending champion na si David McCann ng mangamote sa Stage 2, 153.60km run mula sa Balanga, Bataan patungo sa finish line sa Iba, Zambales.

Isang hindi gaanong kilalang si Kazuo Inoue ng Bridgestone/Anchor Team mula sa Japan ang nakakalawit ng ikalawang stage kasunod ng pagkuha ni Rahim Emami ng Azad University ng yellow jersey, na simbolo ng liderato sa apat na araw na karera ng bisikleta na naisakalawang taon na.

Nairehistro ni Inoue ang tiyempong 3:58:19 na sinundan ni Hamid Shiri Sisan ng Suren Cycling Team na 2 bisikletang layo kay Inoue.

Makaraan ang dalawang araw ng karera, nananatiling nasa unahan si Emami kasunod si Sisan, habang pumapangatlo naman si Jai Crawford ng Giant Kenda, pang-apat sa overall si Inoue, sinundan nina Lloyd Lucien Reynante, Usebio Quiñones ng Shopines, Alex Coutts ng Kenda, Merculio Ramos, Jr. ng Air21, Amir Zargari ng AzadU at Jason Garillo ng Videoke.

Magkakasabay ang 7-eleven at Azad University na kapwa tangan ang 16:23:51 sa team general classification na sinusundan ng Giant Kenda na may kahulihang 0:10 segundo, Road Bike Philippines 0:15, Suren Cycling Team 0:22, Smart Gilas 0:30, Shopines 2:22, Air21 3:26, American Vinyl 3:31, at ng Bridgestone/Anchor Team 4:23.

Nabawasan ang orihinal na 71 siklista sa 63 na lang sa pagsikad sa 151.20km 3rd stage na magmumula sa Iba, Zambales patungo sa Lingayen, Pangasinan. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply