7 patay, 3 sugatan sa sunog sa east China

NAMATAY ang pito katao, tatlo ang nasugatan makaraang masunog ang isang residential building, iniulat ngayong Martes, Abril 12, sa Zhejiang east China.

Batay sa report ng city fire department, ang sunog ay naganap dakong 11:25 Lunes ng gabi sa ikalawang palapag ng pitong palapag ng gusali sa Longgang Township, Cangnan Country sa lungsod ng Wenzhou

Habang lumalagablab ang gusali, nasagip ng mga bumbero ang apat na residente na na-trap sa naturang gusali.

Ang apoy ay naapula dakong 1:15 Martes ng umaga ng Abril 12, na ikinamatay ng anim na tao habang ang isa ay binawian ng buhay sa pagamutan.

Ang tatlong biktimang nasugatan ay patuloy pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang dahilan ng sunog na nagresulta sa pagkamatay ng mga  biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply