700 bahay natupok sa Malabon

NAABO ang may 700 kabahayan makaraang masunog ang isang residential area sa Camia Street, Malabon City, madaling-araw ng Huwebes, Abril 7.

Base sa ulat, naganap ang sunog bandang 2:00 am at 5:00am na naideklarang under control ito.

Nabatid na nahirapan ang mga operatiba na rumesponde sa sunog dahil sa makipot na daan at nagkalat na tao sa kalsada. Mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.

Wala namang napaulat na nasaktan at nasugatan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply