7,000 manggagawa sinertipikahan ng TESDA

UMABOT sa 7,000 manggagawa at estudyante na sumailalim sa pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nasertipikahan bilang Certified Filipino Workers (Sertipikadong Pinoy).

Ayon sa TESDA, sa 11,684 na kanilang na-asses ay may 6,806 ang nabigyan sertipikasyon, katunayan na sila ay nagsanay at sapat ang kanilang kasanayan sa papasuking trabaho.

Ang limang araw na NATCAC o the National Technical-Vocational Competency Assessment and Certification ay inilunsad ng TESDA mula March 28 hanggang April 1 sa bawat regional offices.

Ito ang kauna-unahan na nakatakda pang sundan sa mga susunod na araw kung saan kabilang sa mga binibigyan ng prayoridad ay mga OFW na nagsiuwi mula sa mga bansang may kaguluhan.

Ipinahayag ni TESDA Director General Joel Villanueva na ang ahensya na kanyang pinamumunuan ay handa para sa assessment ng may 12,000 aplikante.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply