73-anyos lolo kulong sa pagluray sa nene

KULONG ang 73-anyos na lolo makaraang ireklamo ng panggagahasa ng 14-anyos na nene sa Iligan City, sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang panggagahasa sa biktima na itinago sa pangalang Amor alas 3:00 ng hapon sa loob ng isang terminal sa lungsod ng Iligan kanina.

Kasalukuyan namang nakakulong na sa Iligan PNP ang suspek na si Leonardo Mendez.

Nabatid na naghain ng pormal na reklamo ang biktima matapos magsumbong sa kanyang mga kamag-anak hinggil sa pangmamanyak ng lolong rapist.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply