75 protesters tepok sa Syria

ISANG marahas at madugo ang naging tugon ng security forces ng Syria makaraang pagbabarilin nila ang lalong dumaraming nagmamartsa na humihiling ng demokrasya at pagpapababa ng nakaupong gobyerno.

Umabot sa 75 ang napatay at marami ang nasugatan sa panig ng mga protestors.

Nakatakdang ilibing ang mga napatay ngayong araw at inaasahan marami ang makikiramay at makikilibing. Pinangangambahan na magkaroon ng kaguluhan ulit dahil galit umano ang mga kaanak at mga kasama ng mga namatay.

Kinondena naman ang Amerika at Gran Britanya ang naturang pangyayari at sinabi ni White House Spokesman Jay Carney na dapat tuparin ni Presidente al-Assad ang ipinangakong reporma samantalang sinabi ni British Foreign Secretary William Hague na dapat igalang ng Syrian authories ang kagustuhan ng mga tao rito ng magdaos na isang mapayapang pagpoprotesta. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply