$7B-langis ipinupuslit taun-taon – Osmeña

NABULGAR sa Senado na umaabot mula sa $5 bilyon hanggang $7 bilyon na halaga ng produktong petrolyo ang ipinupuslit at hindi nakukunan ng buwis kada taon kaya tumataas ang depisit sa pondong ginagamit ng pamahalaan.

Sa panayam ngayong Huwebes, sinabi din ni Sen. Serge Osmeña III na nakatakda siyang maghain ng isang panukalang batas sa Senado upang tuluyan nang matigil ang pagbibigay ng tax holidays sa malalaking kompanya.

Ayon kay Osmeña, umaabot lamang sa $35 bilyong halaga ng produktong petrolyo ang iniuulat ng mga kompanya ng langis na inangkat sa loob ng isang taon, mas mababa sa tunay na halaga kung pagsasama-samahin ang datos sa nagluluwas sa bansa.

“Ang nirereport po dito, nag-import po tayo ng $35 billion, pero pag inipon ninyo lahat ng exports na galing sa Japan, India, Hong Kong, China, galing sa Europe, umaabot ng $42-billion,” ayon kay Osmeña.

Samakatuwid, ayon pa kay Osmeña, may nawawalang $7 bilyong halaga ng langis sa kabuuang porsiyento ng mga inaangkat ng produktong petrolyo na hindi nakukunan ng buwis.

“Ano ang nangyari sa 7-billion? In other words, ‘yun po ‘yung smuggled. They will say well, I saved you 100 tons of oil last month, we say no, we only received 80 tons. Bakit ganoon? Nakarating naman dito. Hindi lang nagbayad, hindi lang nagdeclare. Hindi lang nahuli ng Customs, hindi lang nagbayad ng buwis. ‘Yan ang  problema,” paliwanag niya.

Sinabi ni Osmeña na mahuhuli ang ganitong modus operandi ng mga sindikato sa Bureau of Customs (BOC) kung kikilos kaagad ang pamahalaan na makipag-koordinasyon sa pandaigdigang samahan tulad ng United Nations at samahan ng mga bansa upang matukoy kung magkano ang iniluwas patungo sa Pilipinas.

“I want to bring to mind that the world now has a way of checking whether their imports are equivalent to other country’s exports. So, through the UN, through various multi-lateral agencies, we are able to collect information and data that will show the volume of exports from one country, to the Philippines,” paliwanag ni Osmena.

Nakatakda din umanong baguhin ng Senado ang patakarang ipinatutupad ng Board of Investments (BOI) na nagbibigay ng tax holidays sa malalaking kompanya sa mga economic zones dahil nasasamantala ito ng ilan.

“We passed quite a few laws to give tax holidays to different types of industries and to different types of economic zones. Itong isang company, will get a 7-year tax holiday with the BOI, pagkatapos niyan, mag-claim siya na nasa loob siya ng economic zone, another 7 years na naman siya. E hindi naman yan ang intention ng gobyerno, so we want to stop that practice because it is causing a lot of leakage in our revenues,” aniya. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply