8-anyos pinakabatang child warrior sa Pinas

NAALARMA ang United Nation sa nabulgar na bilang ng mga child warrior sa Pilipinas kung saan sa kanilang istadistika ay lumalabas na walong taon gulang, ang pinakabatang isinasangkot sa armadong digmaan sa pagitan ng mga rebelde at security forces ng Pilipinas.

Ito ang ulat ni Radhuka Coomaraswamy, special representative of the secretary general for children and armed conflict.

Ayon kay Coomaraswamy, sa hanay pa lamang ng Moro Islamic Liberation Front ay nakapagtala na sila ng 600 child combatant na karamihan ay sangkot sa armed conflict bilang mga child warrior, espiya, couriers o mga munting intelligence officers.

Nabatid na nakipag-ugnayan ang United Nation International Children Fund (UNICEF) sa hanay ng MILF maging sa makakaliwang hanay sa pamamagitan ng National Democratic Front kung paano maiiwasang idamay ang mga bata sa armadong hidwaan.

Kaugnay nito, isang proyekto ang pinasimulan ng UN Secretary General for Children and Armed Conflict upang magsagawa ng registration sa mga batang sangkot at kung paano sila maibabalik sa lipunan at mabibigyan ng proteksyon ang kanilang mga karapatan.

Nabatid  na kahirapan at ang pagiging anak o kamag-anak ng isang rebelde ang ginagamit na dahilan upang mahikayat ang mga batang paslit upang sumama o masangkot sa armed conflict.

Umaasa ang United Nation na matitigil na ang paggamit sa mga batang mandirigma oras na mapagtibay ng pamahlaan at mga rebeldeng grupo ang isinusulong na pangmatagalang usapang pangkapayapaan. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply