8 pagyanig sa bulkang Taal naitala

NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang may walong pagyanig sa bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas lamang ng 24-oras.

Ayon sa Phivolcs, isa sa mga pagyanig ay naitalang malakas at naramdaman pa ng mga residente sa Brgy. Calauit sa timog silangan ng bulkan.

Nabatid na umabot sa 30.5 degrees Celsius ang tubig sa crater ng bulkan habang tumaas din ang volume ng carbon dioxide (CO2) emission na umaabot ng 2,250 tonnes bawat araw.

Nananatili sa alert level 2 ang naturang bulkan at pinapayuhang iwasang magtungo sa main crater Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply