8 PUV drivers positibo sa droga

WALONG bus at taxi drivers ang positibo sa illegal drugs matapos ang isinagawang drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Semana Santa sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay PDEA director general Undersecretary Jose Gutierrez ang sopresang drug test ay may layuning matiyak ang kaligtasan ng mga bakasiyunista at turistang sumasakay sa pambulikong sasakayan para sa
paggunita sa panahon ng Semana Santa.

“Ito ang maibabahagi nating tulong para sa ating mga kababayan at turista sa buong panahon ng Semana Santa para matiyak ang kaligtasan nila,” ani Gutierrez.

Lima sa 50 drivers na sumailalim sa drug testing ay positibo sa droga mula sa Eastern Visayas Region. Dalawa naman ang positibo mula sa Central Visayas Region.

Ang mga tsuper sa ibang region na sumailalim sa pagsusuri sa droga ay iniulat na pawang negatibo. Kaugnay nito, 22 driver ang sumailalim sa drug testing sa Western Visayas, 11 naman sa Zamboanga Region at 35 ang sinuri sa Northern Mindanao.

Sa Davao City, umabot sa 311 drivers ang sinuri at isa lamang ang lumabas na positibo sa droga.

Ang inilunsad na drug testing ng PDEA ay sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP) crime laboratory, Highway Patrol Group (HPG) at Land Transportation Office (LTO). Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply