8 sabungero kalaboso

INARESTO kahapon ng pulisya ang walong sabungero kaugnay ng pinaigting na kampanya laban sa illegal gambling sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of police, P/Supt. Rodino Elfa ang mga nasakote na sina Rodolfo Pacheco, 37; Tony Raso, 33; Argubano Antonio, 45; Roger Juanotes, 43; Nestor Biernas, 55; Bernardo Abayon, 52; Frederick Tanilla, 29 at Necomedes Argawanon, 38, pawang residente ng Purok 6, Barangay Cupang ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong alas-dos ng hapon sa isang tupadahan sa nabanggit na lugar.

Nabatid na isang text message ang natanggap ng pulisya kaugnay sa tupadahan sa nasabing lugar kaya’t agad na nagsagawa ng operasyon na ikinahuli ng mga suspek.

Nabatid pa kay Supt. Elfa, mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang pagbabawal sa anumang uri ng sugal kabilang ang mga iligal na tupadahan.

Ang mga suspek ay naka-detain ngayon sa lock-up jail ng Antipolo City Police at kinasuhan ng paglabag sa P.D. 1602 o Illegal Gambling Law. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply