80 eroplano grounded

TINATAYANG 80 eroplano ng Southwest Airlines ang grounded upang inspeksiyonin matapos may makita na isang butas sa isa sa kanilang eroplano habang nasa himpapawid.

Isinantabi naman ang anggulong terorismo sa naturang insidente at patuloy itong iniimbestigahan kung ano ang naging sanhi ng pagkakaroon ng butas na umaabot ng 36 na pulgada.

Ayon sa mga pasahero ng Flight 812 ng naturang airline, bigla umano itong bumulusok pababa matapos bumaba ang pressure ng eroplano subalit nagawang makontrol at makapag-emergency landing ng mga piloto nito. Ang naturang flight ay galing sa Phoenix papuntang Sacrament lulan ang 118 na pasahero.

“I heard a gunshot-like sound just before the plane left Phoenix”, ayon sa pasaherong si Brenda Resse.

“Nabutas umano ang parte sa taas ng overhead luggage storage kung saan masisilip na ang labas kung titingnan mo ang naturang butas”, dagdag pa ni Resse. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply