9 barangay official sa Baguio City inaresto

BAGUIO CITY – Siyam barangay official ang sabay-sabay na dinakip sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Malversation through Falsification of Public Funds na inisyu ni Judge Cleto Villacorta III, ng Branch 6, Regional Trial Court.

Nabatid kay Senior Supt. Alex Pumecha, chief ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-Cordillera, kabilang sa mga dinakip ay ang mga opisyal ng Barangay Country Club na pinamumunuan ni Barangay Chairman Dencio Almag at mga kagawad na sina Rodolfo Abides; Marvin Piados; Myrna Albero; Jimmy Concepcion; Gil Lomboy; Rosalinda Catbagan; Mercy Ponso at SK Chairman Cyril Pasigon.

Ang mga dinakip ay agad na dinala sa Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet para sa kaukulang documentation, bago dalhin sa korte.

Mariing itinanggi naman ng mga nasabing opisyal ang paratang sa kanila. Isa umano itong harassment at may bahid pulitika dahil ipinakain lamang nila ang mga bigas na donasyon ng United Nations (UN) sa mga ka-barangay na lumahok sa bayanihan project ng barangay. Thom Picaña

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply