9 patay sa infection outbreak sa Alabama

SIYAM katao ang namatay habang 10 ang patuloy na ginagamot sa ospital dahil sa infection outbreak.

Ayon sa Associated Press, nanggaling ang serratia marcescens bacteria sa mga contaminated intravenous feeding bags.

Sa kabila ng pag-pull out ng gumawa ng IV feeding bags sa merkado ay hindi pa rin inili-link ng mga health official ng Alabama ang naturang produkto sa pagkamaty ng siyam katao na kumalat sa anim na ospital.

“There is nothing to suggest the deaths were directly related to the bacterial infection,” ayon kay State Health Officer Donald Williamson said.

Ang unang kaso ay unang naireport noong March 16, nang mapansin ng dalawang ospital sa Alabama ang pagtaas sa kaso ng serratia marcescens. Ito ay ipinagbigay alam nila sa Alabama Department of Public Health.

Nai-link ng mga Health official ang infection sa nutritional supplement TPN, na ina-administer sa IV tubes na prinodyus ng Meds IV, isang Birmingham-based pharmacy.

Dahil dito, sinabi ni Williamson na inihinto na ng Meds IV ang produksyon ng IV bags kasabay ng babala sa mga konsyumer ang nasabing problema.

Ang naturang infection ay nakaapekto sa anim na ospital sa Alabama kabilang na ang Select Specialty Hospital in Birmingham, Baptist Princeton, Baptist Shelby, Medical West and Cooper Green hospitals.

Magkagayunman, iginiit ni Williamson “the risk is over.” Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply