Abadilla 5 humirit ng presidential pardon

UMAPELA sa administrasyon ang kaanak ng tinaguriang “Abadilla 5” na pawang pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo sa pagpatay kay dating Military Intelligence & Security Group chief Col. Rolando Abadilla na mabigyan sila ng pre- sidential pardon sa humihinang kalusugan nila.

Sa isang liham para kay Pangulong Noynoy Aquino na ipinadaan kay Justice  Secretary Leila de Lima, hiniling ni Malou Lumanog, asawa ng convict na si Leni-do Lumanog na mabigyan ng pardon ang kanyang asawa na 56 anyos na.

Ayon sa Ginang, may ilang buwan nang naka-confine sa Bilibid Prisons Hospital ang kanyang asawa dahil sa sakit sa kidney at hindi na umano  kakayanin ng kanyang asawa na manatili pa sa kulungan dahil na rin sa matinding karamdaman.

Bukod kay Lumanog, nakatakda ring lumiham kay Pangulong Aquino ang apat pang kaanak ng mga akusado na sina Cesar Fortuna, Rameses de Jesus, Joel de Jesus at Augusto Santos para sa presidential pardon.

Taong 1996 nang mapatay si Abadilla kung saan inako na ng New Peoples Army ang pagpatay sa opisyal ngunit hindi naman ito kinatigan ng korte at pinatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo na kinatigan din ng Korte Suprema ang naging hatol.    Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply