Abnormal activities ng Bulkang Taal nagpapatuloy

PATULOY ang abnormal activities ng Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Philippine institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa huling ulat ng Phivolcs, Miyerkules ng umaga, Abril 13, naitala sa loob ng 24 oras ang walong pagyanig at isa dito ay may kalakasan na naramdaman pa ng mga residente sa Barangay Calauit sa timog silangan ng Taal.

Nabatid din na tumaas ang temperatura ng tubig sa bunganga (crater) ng Taal na nasa 30.5 degrees Celsius.

Maging ang volume ng carbon dioxide (CO2) emission ay tumaas din at umaabot na sa 2,250 tonnes bawat araw. Ibig sabihin nito, ayon sa ahensya ay lumalakas ang gas release na galing sa magma na nasa loob ng bulkan.

Nananatiling nasa alert level 2 ang Bulkang Taal.

Ipinapayo ng ahensya na lumayo sa main crater ng Taal at huwag pumasok sa Daang Kastila at Mt. Tabaro.

Nilinaw din ng Phivolcs, na nasa Permanent Danger Zone ang buong isla nito at nirerekomenda na rin nila ang pagbabawal sa mga residente na manirahan doon. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply