Abnormalidad ng bulkang Taal patuloy

PATULOY ang ipinapakitang abnormalidad ng bulkang Taal sa Batangas kung saan nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 13 pagyanig sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Phivolcs, pumalo ang isang pagyanig sa intensity III kung saan naramdaman ito ng mga residente sa Barangay Calauit habang intensity I naman sa Barangay Pira-piraso.

Tumaas din ang temperatura sa main crater ng bulkan na naitala ang 31.5°C mula sa 30.5°C kahapon.

Nabatid na patuloy ang pamamaga ng lupa sa paligid ng bulkan.

Nakataas pa rin sa alert level 2 sa bulkang Taal kung saan ipinagbabawal ang pagtungo sa main crater, Daang Kastila Trail at Mt. Tabaro. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply