Abnormalidad ng Taal nagpapatuloy

PATULOY pa rin ang abnormal activities ng Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dahil dito, patuloy pa rin ang monitoring ng nasabing ahensya at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) lalo pa at maraming bakasyunista ngayong panahon ng Semana Santa.

Sa huling ulat ng Phivolcs, sa loob ng magdamag ay naitala ang 11 pagyanig. Naramdaman ang isa sa 11 pagyanig sa Barangay Calauit sa timog silangan ng isla.

Ang temperatura sa crater ng Taal ay bahagyang maiinit pa rin na nasa 31.5 degrees Celsius.

Nasa alert level 2 pa rin ang Taal at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa main crater nito, sa Daang Kastila at Mt. Tabaro ang lugar na naapektuhan ng mga nakalipas na pagputok ng bulkan..

Kaugnay pa rin nito, ayon sa Phivolcs, may banta sa tao at mga pananim na gulay ang gas mula sa nag-aalburutong bulkan. “Breathing air with high concentration of gases can be lethal to human, animals and even cause damage to vegetation.”

Dagdag pa ng ahensya, ang buong isla ng bulkan ay ang mismong permanent danger zone (PDZ) kaya payo ng ahensya na huwag manirahan doon.

“In addition, it is reminded that entire Volcano Island is a permanent danger zone, and permanent settlement in the island is strictly not recommended,” ayon sa Phivolcs. Alex Luiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply