Abogado itinumba ng 2 killer for hire

TUMAGOS ang bala sa ulo at leeg ng 50-anyos na abogado makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng dalawang “killer for hire” sa Quezon City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Atty. Joel Discaller, 48, Fordam St. Barangay Saint Ignacious Village, nasabing lungsod.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakilanlan ng mga salarin na lulan ng motorsiklo (5653 PI) na kanilang ginamit na get away vehicle matapos isakatuparan ang krimen.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Julius Baricaua, naganap ang pamamamaril sa Shell Gasoline Station ng nasabing village bandang 10:20 kagabi.

Nabatid na habang nagpapakarga ng gasolina sa nasabing gasoline station ang biktima sakay ng kanyang Nissan black (DIL 509) ay bigla na lamang sumulpot ang motorsiklo sa hindi kalayuang lugar sakay ang dalawang suspek.

Isa sa salarin ang bumaba sa motorsiklo at matiyagang naghintay na buksan ang kaliwang bahagi ng bintana ng sinasakyang kotse ng biktima.

Nang makakuha ng tiyempo ang salarin ay dali-daling lumapit ito sa biktima saka siya pinaputukan sa biktima.

Matapos masigurong patay na ang biktima ay agad na tumakas ang mga ito palayo sa lugar.

Narekober ng pulisya sa lugar ang 6 basyo ng bala ng kalibre .45 pistola.

Ayon sa pulisya, posibleng mga “killer for hire” ang tumumba sa nasabing abogado dahil sa estilo sa pagpatay ng mga ito.

Patuloy sa imbestigasyon ang mga tauhan ng Quezon City Police District upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaslang. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply