Abortionist, magpapalaglag arestado

ARESTADO ang dalawang babae, kabilang ang dalawang buwan na buntis dahil sa tangkang pagpapalaglag sa kanyang dinadala sa sinapupunan sa Quiapo, Maynila.

Sa isinumiteng report kay Supt. James Afalla, hepe ng MPD-Station 3, ang mga suspek ay kinilalang sina Myla Castro, alyas Len-Len, 34, ng 24 Basa, Quiapo, Maynila; at Michelle delos Santos, 27, empleyado ng City Bank, Binondo Branch, tubong Magallanes, Cavite at nanunuluyan sa 2163 Mabuhay St., Sta.Ana, Maynila.

Isasailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office si Castro sa kasong  Art 256 Intentional Abortion habang Art. 258 Abortion practiced by the woman herself or by her parents ang ikakaso kay Santos na nakakulong na sa MPD-Station 3 detencion cell.

Nabatid na alas 4:00 Sabado ng hapon, Abril 2 nang maaresto sina Castro at Santos nang maaktuhan sa isasagawang pag-aabort.

Sa report, isang concerned citizen na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsuplong kay P/Insp. Joselito Von Possel, commander ng Plaza Miranda Police Community  Precint na may magaganap na “abortion” sa bahay ni  Castro.

Agad namang inatasan ni Possel ang kanyang mga tauhan na sina SPO2  Larry Punzalan at PO3 Efren Castro  na manmanan si Castro.

May 24 oras na inabangan ng mga pulis ang insidente at nang dumating ang buntis na si Santos sa bahay ni Castro ay agad  na silang kumilos.

Habang nakahiga si Santos sa papag at pumuwestong tila manganganak ay dinakma ng awtoridad ang dalawa.

Nakuha sa bahay ni Castro ang abortion paraphernalias kabilang ang 2 pirasong stainless forceps, bulak, white tissue paper, alcohol at langis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply